Basag na naman ang Salamin
Antagal kong hinintay na mabuo ang salaming ito.. Halos taon ang binilang ng muli ko itong nabuo at handang ipakita sa lahat na buo na ulit ang salaming nabasag at pilit ibinalik sa dati.. Ngunit bakit ganun? di pa nga halos tuyo ang pagkakadikit nito ay muli itong binasag.. Naging maingat naman ako, naging mapagmatyag.. Akala ko marami na akong natutunan ng una ko itong mabasag, ngunit tila ngaun parang wala.. Di ko na alam kung kakayanin ko pang buuin ang salamin na ito.. Isa lang ang sigurado, susubukan kong ulitin at buuin ito, at sana sa gagawin kong pagbubuo ay masisiguro ko na matatag at matibay na ito. Dahil ayoko nang maulit ang bagay na ito, dahil baka sa bandang huli di ko na kayanin at itapon ko na lang ito..
Sana sa muling pagbubuo ko ng Puso kong binasag mo, ay matutunan ko rin ang mga bagay bagay.. Malaman ko rin kung paano at kung kanino ko dapat ipahawak ito..
